Catechetics

Weight (grams): 500 |
Author/s: PADRE NONNETTE C. LEGASPI, STL |
Size: LWH 11 x 2 x 19 cm |
Materials: Flex Covered |
No of Pages: 466 |
ISBN: 978-971-004-519-8 |
Editorial Reviews: |
About the Author: Si PADRE NONNETTE C. LEGASPI ay nagtapos ng AB Philosophy at Sacred Theology sa San Carlos Seminary, Makati City, at nakatanggap ng Banal na Orden sa Pagpapari noong ika-18 ng Nobyembre 1989 mula kay Jaime Cardinal L. Sin para sa Arkidiyosesis ng Maynila. Noong 1994 ay nakamit niya ang kanyang Master’s Degree at Licentiate Degree sa Sacred Theology mula sa Pontifical University of St. Thomas Aquinas sa Roma, Italia (magna cum laude). Nagturo siya bilang guest professor sa San Carlos Seminary – Graduate School of Theology, Makati City, at sa Immaculate Conception School of Theology, Guiguinto, Bulacan. Nagsilbi siya bilang Dean of Students at Spiritual Director sa Our Lady of Guadalupe Minor Seminary, Makati City, at naging resource professor para sa Master’s Degree Program in Pastoral Ministry ng Arkidiyosesis ng Maynila. Siya ngayon ay kabilang na sa Diyosesis ng Novaliches at kasalukuyang kura paroko ng Mary the Queen Parish sa Belfast Avenue, Neopolitan Business Park, Quezon City. Siya ang Minister ng NºPOWRD (Novaliches Pastoral Outreach for the Welfare and Resources of Persons-with-Disabilities). Siya ang punong eksorsista ng kanyang diyosesis at tumatayong First Councilor ng PACE (Philippine Association of Catholic Exorcists). |
Description: “Ang Volume 2 ng aklat na inakda ni Padre Nonnette Legaspi ay kumuha ng ilang inspirasyon sa Catholic Handbook of Deliverance Prayers at Catholic Handbook of Prayers for Spiritual Liberation and Exorcisms with Redactor’s Notes for the Use of Priests upang makapagpalimbag ng isang obrang naglalayong turuan ang gagamit kung ano ang mabuting hakbang sa pagtugon sa iba’t ibang pamamaraan ng pambubuyo ng diyablo at ng kanyang kampon. Ito ay tugon sa pangarap ng mismong mga eksorsista na magkaroon ng salin ang mga dalanging kadalasang nagagamit sa Ministry of Spiritual Liberation and Exorcism. Ito ay unang hakbang lamang sa pagkakaroon ng vernacular editions. Inaasahan ng marami na mayroon pang ibang edisyon na lalabas sa di-nalalayong hinaharap mula sa malalaking language groups sa Pilipinas na inakda rin mismo ng mga eksorsista sa iba’t ibang rehiyon sa bansa.”
—Padre Winston F. Cabading, OP Eksorsista, Archdiocese of Manila Office of Exorcism |

There are no reviews yet.