Emma Kali-kaliwete! Emma U-utal-utal!

₱ 150.00
1 review
  • 5 stars (1 vote, 100%)
  • 4 stars (0 vote, 0%)
  • 3 stars (0 vote, 0%)
  • 2 stars (0 vote, 0%)
  • 1 star (0 vote, 0%)

 

 LAHAT TAYO’Y NILIKHA NG ATING PANGINOON na pantay-pantay at Kanyang kawangis, sa kabila ng ating pagkakaiba-iba. Marahil ay sinadya Niya ito upang tayo’y magtulungan at magkaisa at hindi maging mapagmataas at mapanghusga sa ating kapwa.

  • Weight (grams) : 250
  • Author/s : MEANNE MABESA MIJARES
  • Size : 7 x 9 inches
  • Materials : Kwento ni Meanne Mabesa Mijares (KIT-SP02350-1000313)
  • No Of Pages : 54
  • ISBN : 978971004208
  • Editorial Reviews :

     

  • About The Author :
     Si MEANNE MABESA MIJARES ay nagtapos ng mga kursong Bachelor of Secondary Education (major in English) at Bachelor of Arts in Broadcast Communication sa Unibersidad ng Pilipinas sa Diliman, Lungsod ng Quezon. Siya ay isang professional wedding and events planner at may-ari ng Milestones & Moments Weddings and Special Events Management na itinatag niya noong Nobyembre 2003. Isang dekada na siya sa larangang ito. Siya rin ay isang propesyonal na kumpositor at kinatha niya ang awit na I’m Letting You Go na inawit ni Jamie Rivera noong 1996. Si Meanne ay naging Best Speller bago magtapos ng elementarya sa Maryknoll College Grade School. Siya ay kaliwete kung magsulat. Siya rin ay (nagtatag at tumatayong Pangulo) Founder and President ng Philippine National Stuttering Society (PNSS), at ng Philippine Association for the Left-Handed (PALH).
  • Additional Information :
     

Recent Comments

1 review
  • By: ST PAULS Online
    ST PAULS
    Napakahusay ng pagkakasulat mula sa puso at diwa ng may akda at aking mabuting kaibigan. Patunay lamang na ito ay isang katha na inasimple at nagsasaad na ang pagiging kaliwete at utal ay hindi hadlang o sagabal sa pag-unlad sa buhay ng isang tao. Ang bida sa kuwento ay dumaan sa matinding panghuhusga ng mga tao ngunit siya ay nagtagumpay at umunlad. Napakagandang aklat ito para sa mga bata at sa mga nakatatanda. Meanne, nawa’y manatili kang inspirado na sumulat ng mga aklat na ganito ang tema. Pinagkakalooban ka ng Panginoon ng maraming biyaya nang sa gayon, sa lahat ng bagay at lahat ng pagkakataon, maging sagana rin ang iyong mabubuting gawa sapagkat nasa iyo ang lahat ng kailangan mo.
    Isang taos-pusong pagbati! Ave Maria!
    —Dra. Carminia A. Sogono, DMD
    Retiradong Dentista at Caterer
    Full-time Servant GAC (Greeters and Collectors) & IPM (Intercessory Prayer Ministry) Chapel of the
    Eucharistic Lord SM Megamall

    Isang napakagaling at natatanging aklat para sa kabataan. Ito ay nagbibigay ng isang napakahalagang aral sa buhay na huwag maging mabilis sa paghatol sa kapwa. “Huwag kang humusga upang ikaw ay di huhusgahan” (Mateo 7:1). Hindi nagpaapekto si Emma sa mga panunuya at pang-aapi ng kanyang mga kaklase. Sa huling bahagi ng kuwento, ipinakita ni Emma sa kanyang mga kritiko na sa pakikipagkumpitensiya sa sarili, tayo ay nagiging higit na mabuting tao at higit na kapaki-pakinabang na kasapi ng lipunan. Taliwas ang ibinubunga ng pakikipagkumpitensiya sa iba na ang idinudulot ay pait ng kalooban. Sa pamamagitan ng kanyang matibay na pananalig sa Diyos at mapagmahal na suporta ng kanyang pamilya, napagtagumpayan ni Emma ang lahat ng mga negatibo at masasakit na salita ng kanyang mga kaklase.
    —Mrs. Eva Echin-Turner, CPA
    Retiradong Kawani ng Australian Taxation Office sa Sydney, Australia
    May akda ng librong Career Life Choices
    March 29, 2016 3:42 AM

We want to know your opinion!

Please login or register to post your review.

Payment Method: