ST PAULS Online | Books

BOOKS

You are here: Books > Asceticism > Prayer Books > Straight from the heart kaagapay sa pagdarasal flex 5

Straight From The Heart (Kaagapay sa Pagdarasal) (berde) Flex

by Rv. Fr. Mario Jose C. Ladra

price: Php 270.00
weight: 400 g
size: 4 X 6.25 inches
no of. pages: 372
ISBN: 978-971-004-103-9


Marami na ang pinagaling at pinagpala ng Diyos sa pamamagitan ng mga panalangin mula sa STRAIGHT FROM THE HEART ni Fr. Mario Jose Ladra. Ang aklat na ito ng mga Panalangin ay mabuti at maganda upang patuloy nating matamo ang kagalingang dulot ng Panginoong Diyos sa ating sariling buhay at harinawa, maging sa ating lipunan.
-Msgr. Rigoberto S. de Guzman
Vicar General
Diocese of Antipolo

Marami nang makukulay na kasaysayan ng paggaling sa karamdaman, katugunan sa mga kahilingan at pagsusumamo at mga biyayang inaasam ang natanggap ng mga gumamit ng aklat na ito. This book is a "gift from God. A must-have book. A good travelling companion. Ang aklat na ito ay tunay na dinadaluyan ng mga biyaya mula sa Diyos.
Congratulations Fr. Mario Jose Ladra! I personally endorse this book of prayers to everyone.
-Bro. Jun M. Banaag, OP
Vice Provincial
Dominican Laity Philippine Province
Host, Dr. Love Radio Show, DZMM

Si Fr. Mario Jose C. Ladra ay mula sa bayan ng Calauan Laguna. Pumasok siya sa St. Francis Seminary (Lungsod ng Lipa) at sa Our Lady of Guadalupe Minor Seminary (Lungsod ng Makati) kung saan siya nagtapos ng high school. Nagtapos naman siya ng AB Economics sa San Sebastian Colllege. Nag-aral siya ng teolohiya sa Loyola School of Theology, Ateneo de Manila University at doo’y nakamit niya ang kanyang Master’s Degree in Pastoral Ministry. Inordenahan siya bilang isang pari noong Marso 9, 1989 sa ilalim ng Diyosesis ng Malolos. Bilang isang kura paroko, itinatag niya ang San Lorenzo Ruiz Parish sa Pleasant Hill Subdivision, Lungsod ng San Jose del Monte, Bulacan. Dahil sa ipinagkaloob sa kanya ng Diyos na biyaya ng pagpapagaling, inilalaan niya ang mga oras pagkatapos ng pagdiriwang niya ng Banal na Eukaristiya tuwing Martes ng gabi sa kanyang parokya para sa lahat ng nangangailangan ng espiritwal at pisikal na paggaling. Maraming taong mula sa iba’t ibang lugar ang dumadalo roon dahil marahil sa pagpapatotoo ng mga nakaranas ng paggaling.
Bukod dito, tumutulong din si Fr. Mar sa mga programa para sa mga dukh ng Pamayanang nasasakupan ng kanyang parokya at mga karatigpook. Siya ang Branch Director ng Consuelo Chito Madrigal Foundation (CCMF – Bulacan), at Pangulo at Executive Director ng San Lorenzo Ruiz Charity, Inc.

Shopping Cart

  • There are no items in your shopping cart.

Book Reviews

BETTER MARRIAGE

Marriage cannot simply pertain to a piece of paper. It is not just about two gooey-eyed people getting together because they feel for each other. It does not refer to a bunch of [...]

read more

Promos and Events